Showing posts with label Soapdish. Show all posts
Showing posts with label Soapdish. Show all posts

Sunday, October 31, 2010

Sinehan by Soapdish

I just love this song by Soapdish... I guess anyone who has went into a cinema with a girl that they really like should be able to relate. Great songwriting! The album also has a "double feature" for the song with guest vocals from Acel van Ommen, the former vocalist of Moonstar88


Lumang sinehan
Naaalala ko pa ang maduduming upuan
Kasama nga kitang umakyat sa buwan
Naghabulan

Oo nga't kay saya
Kasama nga kita at may pagkaing dala
Sabay patay ng ilaw sa yong mata
Ahhhh



Isip ako ng isip kung paano sasabihin sayo
Mundong nananaginip at pusong litong lito
Sa umpisa pa lang ng eksena ay tutok na tutok ka na
Pano mapapansin ang damdamin?

Nanlalamig kong kamay
Nanalangin na hawakan mo
O kahit kaunting akbay
Sabay bukas ng ilaw, nako patay
Ahhhh

Isip ako ng isip kung paano sasabihin sayo
Mundong nananaginip at pusong litong-lito
Hangggang sa natapos na ang pelikula
Di ko pa din napadama,
Sa ibang lugar na lang sana oh wag na


Tuesday, June 15, 2010

'Di Na Bale by Soapdish

This song pretty much sums up May 2010 and early part of June 2010 for me. I found out that I really didn't had a chance to win this girl's heart. Maybe I just had the wrong expectations. Buti na lang merong Soapdish. Probably in terms of Tagalog songs, Soapdish ranks with Eraserheads and Rivermaya, at least for me, in writing great memorable songs that I can relate to.



Gusto ko sanang sumama
Pero parang ayaw mo
Kanina ka pa di kumikibo
Gusto ko lang naman kasi
Makasama ka parang dati
Na tayong dalawa yung magkatabi

Ilang beses kong sinabi
Na nagsisi na ako
Pero parang lalong gumugulo
Naiinis ka na yata
Eh anong magagawa
Ayokong mapunta ka sa iba

Bigla kong naisip na hinde mo na ako gusto!
Bigla kong naisip na kailangan ko ang yakap mo!!!

Di na bale,
Walang mangyayari sa ganito
Uuwi na lang ako sa amin
Wala ng kulay,
Wala ng buhay ang mundo
Uuwi na lang ako

Ayokong nakikita, may kasama kang lalaki
Umiinom sa tabi-tabi
Ako'y nahihirapan at ako'y nasasaktan
Baka pwde pang pagusapan

Lahat ng sabihin ko'y hinde mo na pinakikinggan
Anong nangyari sa pagibig na walang hanggan?

Di na bale,
walang mangyayari sa ganito
Uuwi na lang ako sa amin
Wala ng kulay,
Wala ng buhay ang mundo
Uuwi na lang ako


Di na bale,
walang mangyayari sa ganito
Uuwi na lang ako sa amin
Wala ng kulay,
Wala ng buhay ang mundo
Uuwi na lang ako

Friday, May 15, 2009

Dahil sa Ulan by Soapdish

Soapdish's self-titled debut album is one record that hit me instantly. There's nothing too fancy, the songs are straight up and with lyrics i can relate to. I bought the album after watching the band play live. Yesterday, when I was riding a jeep and it started to rain, I popped this song out of my mp3 player. Whoah! I love the bass line at the bridge part... and the guitar solo that comes after that!


Pagmasdan ang buhos ng ulan
At pano malilimutan
Pinaglapit niya tayong dalawa
At tawa na lang ng tawa
At parang limot ko na
Ang lahat ng problema

Hindi ko na sinabi
At baka 'no pang mangyari sa 'tin
At di ko na rin binalak na
Umamin pa sayo oh...
Patawarin mo ko...

Sige na, alam kong pagod ka na
At san ka ba pupunta?
Madilim na ang langit

Oo na, mahal na nga kita
At sana'y itigil na
Mga bulong ko sa hangin

Hindi ko na sinabi
At baka 'no pang mangyari sa 'tin
At di ko na rin binalak na
Umamin pa sayo oh...
Patawarin mo ko oh...

Hindi ko na sinabi
Hindi ko na sinabi
At di ko na rin binalak na
Umamin pa sayo oh...
Patawarin mo ko oh. ..