Thursday, May 06, 2010

Perpekto by Dong Abay

Dong Abay (Yano) did some good work on this song. And to think about it that Raimund Marasigan and Buddy Zabala did the rhythm section work for this album, makes the Filipino album, a sort-of OPM super group

I just love Dong Abay's lyrics. Touching, simple and straightforward.



Ikaw ay nagdaramdam
Puso ay nagdurugo
Hindi mo yata alam, kung san ka patungo


Ikaw ay naliligaw
Isip ay nalilito
Ayaw mo ng gumalaw
Hindi ka sigurado

Ikaw ay napupuwing
Minsan nabubulagan
Mata ay nakapiring
Daan ay kadiliman

Ikaw ay nadadapa
Napipilayan din
Di makapagsalita
Anung ibig sabihin?

Wala, wala namang...
Wala namang perpektong tao

Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?

Ikaw ay nawawala
Minsan ay nawawalan
Di ka naniniwala
Puno ng alinlangan

Ikaw ay nanliliit

Ligtas ka ba sa rehas
Bakit ka nakapiit?
Bakit ka tumatakas?

Ikaw ay natatakot
Parang walang hangganan
Ang kirot ng bangungot, di mo makalimutan

Ikaw ay nanlulumo

Bilang na ba ang araw?
Gusto mo ng sumuko,
Mundo ay nagugunaw

Wala, wala namang...
Wala namang perpektong tao

Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?


Ikaw ay inaalon
Walang kalaban-laban
Tuluyang nalulunod tungo sa kalaliman

Ikaw ay nalulula

Agad kang nahuhulog
Babagsak sa lupa at biglang madudurog

Ikaw ay nagdurusa
Kaya pa bang tumagal
Hindi na makahinga
Lalo pang nasasakal

Ikaw ay dumadaing
Dala mo ba ay sumpa
Para kang ililibing at ipinagluluksa.

Wala, wala namang...
Wala namang perpektong tao

Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?

Wala...
Wala namang...
Wala namang perpekto
Anu ba ang epekto ung meron kang depekto?
Wala namang perpektong tao...

No comments: